Kagandahan ng Sining

Wednesday, March 29, 2006


SINING
Ang sining ay kadalasang tumutukoy o iniuugnay sa sining biswal. Patuloy na nagbabago ang kaisipan sa kung ano ang sining. Marahil na pinakamalawak ang pinakamaigsing kahulugan nito -- tinutukoy ng sining ang lahat ng malikhaing pagsisikap ng tao, di kabilang ang mga gawaing na may tuwirang ugnayan sa pananatili ng buhay at pagsusupling. Mula sa isang malawak na pagpapalagay, isang pangkalahatang kataga ang sining para sa anumang naibunga ng pagiging malikhain, na tumubo mula sa lahat ng iba pang larangan ng tao.
-Allan Ray Barbon block 2-a

Friday, September 23, 2005

Sining ng Pagpipinta

Ang pagpipinta ay isang mahirap na gawi sapagkat kailangan nito ang pasensya sa paglalagay ng mga kulay sa iyong subject. Kailangan nito ang maiging pagsasanay upang maihandog ng kaayaaya ang pinta sa madla. Dito sa sining ng pagpipinta makikita ang lubos na kagalingan ng nagpipinta sa kanyang pinipintang mga bagay na talagang ginagamitan ng mga kulay na bagy sa kanyang pinipinta. Hindi mahirap ngunit nakakasiya sa isang indibidwal na nais at gustong puminta ng isang bagay. Hindi kinakailangan na kapg ikaw ay nagpipinta magaling kka na syiempre para ito sa lahat ng nagnanais puminta. Ang sining ng pagpipinta ay masaya. Kaya pinta na.............
Julius Ian Q. Degracia
Block2A

Sasayaw ka Ba?

Maraming klase ng sayaw: may moderno, primitibo, sayaw kultura, at sayaw katutubo atbp. Ngunit ito'y naiiba sa lahat. May iba't ibang steps, paraan at istilo. Ito ay higit na nagagamit sa paghasa ng talento ng isang indibidwal sa pagsasayaw. May mga sayaw na may pagtutulad sa isa't isa. Ginagamitan ng mga bagay na magagamit sa istilo ng sayaw. Hindi natin maikakaila na ang sayaw ay may iba't ibang aspeto sa dating nito sa madla at nanonood. Ang sayawa ay di lamang recreation, dito nasusukat ang abilidad ng tao na maporma ang kanyang katawan. Ayon sa aking pagsasaliksik, ang sataw o pagsasayaw ay isang mainam at mabisang ehersisyo na makakatulong sa katawan. Kaya dapat tayo ay sumayaw. sasayaw ka ba?
Heidi Napoles
2A

Sining ng Pakikipagtalastasan

T.V Patrol, Rated K. Mga programang ang handog ay maipakita ang angking galing sa pakikipagtalastasan. Sa sining ng pakikipagtalastasan, maipapakita ang mga angking galing ng mga taong gustong pumasok sa ganitong trabaho. Boses, Itsura, at Talino ang kailangan upang mas maigi ang pakikipagtalastasan sa mga tao. Dito makikita ang itsura ng sining sa loob o sa dimograpiya ng talastasan. Ikaw, ako, tayo ay may posibilidad na maging tagapagtalastas sa telebisyon man o radyo. Ang sining ng pakikipagtalastasan ay naglalayong humubog sa kakayahan ng indibidwal na makihalubilo sa tao sa pamamagitan ng pagharap sa madla na walang kinikilingan at may lakas ng loob. HIndi matatawag na sining, ang pakikipagtalastasan kung mismo ang ngagsasalita ay walang buhay talento.
Kris Marie Bisnar
Blk.2A

Siining ng Pag-ibig

Natikman mo na bang umibig? O, gusto mong umibig, Ilan lamang ito wa mga tamnong napuna sa isip niyo diba? Ang sining ng pag-ibig ay isang makabuluhang bagay na ang nakataya ay pag-ibig. Mahirap umibig lalo na't ang iniibig mo'y hindi ummiibig sa iyo. Puso ang dumidikta. Puso ang siyang bida. Pag-ibig di mo maipinta. Sining nito'y hindi maabot twina. Ang sining ng pag-ibig ay siyang mga gawi o mga istilo ng pag-iibigan. Pakipot man o totohanan man. Ito'y minsan patibok o dirediretso lamang. ang sining ng pag-ibig o arts of love ay ang natatanging karanasan ng isang taong umibig kung ano ang hindi niya makalimutang ligaya sa piling ng kanyang minamahal o kasintahan.
Jessah Porras
Block 2A

ang sining nating mga may malaking obligasyon na pangalagaan at ipilipino ay sadyang kakaiba sa lahat.Dito natin naiipapakita at naiipapahayag ang ating mga saloobin.Bilang isang pilipino tayo ay preserba ang sining natingmga pilipino. dela peña

Ang Paghahanap sa Musika

FOREVERMORE

There are times when I just want to look at your face
With the stars in the night
There are times when I just want to feel your embrace
In the cold night
I just can't believe that you are mine now

You were just a dream that I once knew
I never thought I would be right for you
I just can't compare you with anything in this world
You're all I need to be with forevermore

All those years I've longed to hold you in my arms
I've been dreaming of you
Every night I've been watching all the stars that fall down
Wishing you will be mine now
I just can't believe that you are mine now

You were just a dream that I once knew
I never thought I would be right for you
I just can't compare you with anything in this world
You're all I need to be with forevermore

Time and again there are these changes
That we cannot end
As sure as time keeps going on and on
My love for you will be forevermore

I just can't believe that you are mine now

You were just a dream that I once knew
I never thought I would be right for you
I just can't compare you with anything in this world

As endless as forever
Our love will stay together
You are all I need to be with forevermore

As endless as forever(forever)
Our love will stay together(together)
You are all I need to be with forevermore

May ginawa akong tula na maaring makakapagpaliwanag sa kantang ito.....Ang tula kong ito ay pinamagatang "SOULMATE"....

Ang soulmate ay ang pagsasama ng dalawang
tao sa pamamagitan ng tadhana o kapalaran.
Sila ay ipinaglalapit ng hindi namamalayan
at hindi nalalaman.
Kung kaya't wala ni sino man ang maaaring
humadlang o pumigil sa pagkakataong ito.

Ang soulmate ay hindi na kinakailangang
Hanapin at ipagsigawan kung nasaan siya
Dahil ang siyang nakatakda at ang panahon
ang lalapit at magtatagpo sa kanila.

Ang bawat tao sa mundo ay may nakatakda para sa isa't isa.
Ito ay kinakailangan lang nating buksan ang ating mga mata
para makita siya.....

-=Jefraim Villarin=-

AWIT AT MUSIKA

AWIT AT MUSIKA

Ang awit ay isang elemento ng sining, kung saan ito ay nabuo mula sa damdamin at para sa damdamin. sa awit at musika ay pwede mong ipahiwatig kung ano ang nasa iyong saloobin. ang awit ay nagpapagaan at pwede ring maging pabigat sa ating damdamin. sa awit at musika ay pwede mong ipalabas ang iyong nararamdaman sa pamamagitan ng pagawa ng awitin o maari ring sa pakikinig ng musika ay mabawasan ang nasa iyong loob.
Ang awit at musika ay isang mahalagang sining sapagkat ito ay nagbibigay ng karagdagang buhay at insperasyon sa mga tao. ito ang kadalasang nagiging takbuhan ng mga taong umiibig, sawi sa pag ibig, sa mga taong nalulungkot at mga taong masaya
Lahat tayo ay may sarilin g mga paboritong awitin kung saan ay natatagpuan natin ang ating mga damdamin at ang ating sarili!
SA KANYA
mymp
namulat ako at ngayoy nag iisa
pagkatapos ng ulan
bagamat nakalipas na
ang mag sandali ay nagmumuni
kung akoy nagwagi
pinipilit mang sabihin na itoy wala sa akin
ngunit bakit hanggang ngayon nagdurugo parin
chorus
sa kanya parin babalik sigaw ng damdamin,
sa kanya parin sasaya bulong ng puso
kung buhay pa ang alala ng ating nakaraan
ang pagmamahal at panahon alay parin sa kanya
Sa awiting ito marami ang tumangkilik dahil sa ito ay tunay na nararamdaman ng isang taong nagmamahal...!!! mas maigi kung maging mahilig tayo sa awiting pilipino at gawang pilipino upang mas lalo nating maramdaman ang sining nito
POSTED BY: VIVIEN MURILLO, BLOCK 2-A

Pag-guhit

ang pag-guhit ay isang bahagi ng sining na talinto na bigay sa atin ng poong maykapal. Sa pamamagitan nito naipahayag ng isang tao ang kanyang imahinasyon o mga bagay na nakikita sa paligid. Minsan naging libangan at aliwan ito ng isang tao. Ito ay nakapagbibigay ng kulay sa ating buhay. Ang bawat ginuguhit ng isang tao ay may kanya kanyang kahulugan o simbolo, na hindi namamalayan ng iba kung ano ang ibig sabihin, tanging ang nagguhit lamang ang makapagpaliwanag.




IRISH R. QUILAS
BLK. 2A

Ang Pagtula ay Bahagi ng Sining

Ang sining ay bahagi sa buhay ng isang tao, tradisyon man o kultura. Kabilang dito ang pagtula na binubuo ng magkatugmang taludtod. Naipahayag dito ang karanasan, saloobin at layunin ng isang tao. Minsan ito ay imahinasyon o kathang isip lamang ng may akda na hindin sinasadyang nangyayari sa tunay na buhay. Sa pagtula binibigyang pansin ang pagbigkas ng salita sa bawat taludtod. Karaniwang mapapasin din natin na ang huling salita sa bawat taludtod ay magkatugma.




AGNES BUCOL
BLK. 2A

Thursday, September 22, 2005

ang lahat ng bagay ay magka ugnay

SINING
Napakaraming uri ng sining pagsayaw, pagkanta, tula at pagpinta ang mga ito ay ilan lamang sa mga halimbawa upang maipahayag at ipahiwatig natin ang niloloob ng ating sarili.

jason dabon blk 2a

Wednesday, September 21, 2005

ANG PAGKANTA

Ang pagkanta ay isang bahagi ng sining at mayroon din itong porma,tugma at iba pa.
Maraming mga komposer ang gumagawa ng kanta, ito kasi ang kanilang paraan para maipahayag ang kanilang damdamin at saloobin sa isang tao o bagay na nais nilang bigyan ng importansya sa kanilang buhay.
Ang iba ay gumagawa ng kanta para sa kanilang inspirasyon sa buhay o di nama' y ang mga pangarap nila sa buhay na kanilang inaasam asam na matupad....

JENNEFER PECHOCO BLOCK 2A

pagkanta

Monday, September 19, 2005

Musika at kanta

Ano ba ang musika at kanta?Ito ba'y nakapagbibigay saya o ito ba'y nakapaghahatid sigla?Ito ba'y mahalaga o di mahalaga?
Ang musika ay isang uri ng sining kung saan ang tinig at tugtog ang siyang nakapaloob.Mahalaga ito sapagkat ito'y nakapagbibigay saya at nakakapaghahatid sigla.Kapag nakikinig tayo ng musika para bagang ginaganahan tayong gawin ang gusto nating gawin at nagiging inspirasyon na natin ito.
Ang musika ay paraan ng Maykapal para magkaroon ng kulay ang ating buhay.Ito'y may kakaibang "impact" sa ating isip,katawan at kaluluwa.
Ang kanta naman ay bahagi ng musika na kung saan naipapahayag ng isang tao ang kanyang saloobin,damdamin at kuro-kuro.Maipapahiwatig din niya kung ano ang nilalaman ng kanyang puso sa pamamagitan ng pagsulat ng kanta.May ibabahagi ako sa inyong kanta na pumupukaw sa ating puso't damdamin.
-------------------------------------------
KAHIT SANDALI
ni : jennylyn mercado

Bakit ba hindi ko mapigilan ang
Nadarama ng puso ko
Kahit pa alam kong meron kang iba
Hindi pa rin nagbabago ang damdamin ko

Kaya kong ialay ang lahat sa iyo
Kahit ako’y di mo gusto
Nais lang minsa’y madama na akin

Chorus :
Kahit sandali
Pag ibig mo sana’y maramdaman
Man lang
Mayakap ako at mahagkan
Kahit di mo mahal
Ang pag – ibig ko’y sa iyo lamang

Di ko aasa at maghihintay
Sa pag – ibig ng tulad mo
Tama na na minsa’y nakapiling ka
Pagmamahal mo

Kaya kong ialay ang lahat sa iyo
Kahit ako’y di mo gusto
Nais lang na minsa’y
At minsa’y madama na akin

Repeat chorus
-------------------------------------

Simple lamang ang kahulugan ng kantang ito,iba talaga kapag may minamahal at hinahangaan."Ang babae ay hindi nagiging ganap na babae kung walang minamahal at nagmamahal"ika nga.Ang kantang ito ay para sa mahal mo na kahit sandali man lang maramdaman mong may pagmamahal na nakatago sa kanyang puso para sayo.Di man siya naghihintay pero alam niyang kung mahal niya ang isang tao papalayain niya ito para ang taong minamahal niya ay maging masaya kahit di man siya naging sayo maging masaya ka pa rin para sa kanya.

DABIE JANE DELA CRUZ
BLK2-A

Thursday, September 15, 2005

"PINTADOS"

ni:Eric Jan Morta Block-2C
Ang sining ay binubuo ng iba't-ibang aspito na gamit ang di pangkaraniwang kakayahan ng isang tao.Ginagamitan ito ng abilidad,talino,at malalim na pag-iisip para maisagawa ito.Ito rin ay nangangailangan ng malawak na kaisipan at pag-aayon sa iyong nararamdaman para makagawa ng kakaibang obra.
Maraming uri ng sining tulad na lamang ng pag-ukit,pagpinta,pati na rin ang pagsayaw at pagkanta ay maituturing rin nating sining.Ngunit batid natin na ang pagpinta ay ang pinakatanyag sa lahat.Tulad na lamang ng pagpinta sa katawan ng tao o tinatawag na"BODY ART/TATTOO" na halos lahat ay nahuhumaling sa kakaibang klase ng pagpinta.Ito man ay nagdudulot ng hindi magandang imahe sa mata ng ibang tao ngunit para sa meron nito ay dagdag atraksyon ito sa kanilang pagkatao.
Subalit ano man ang maging reaksyon ng bawat isa sa sining na ito,mananatili parin ito sa ating mga puso't isipan.At ito ay maituturing nating likas na kakayahan na kailan may maipag mamalaki natin sa ating sarili.

Sining Pakikipagtalastasan

Sining Pakikipagtalastasan:

Sining Pakikipagtalastasan ay isang paraan ng komunikasyon para tayong lahat ng mga Filipino ay mag kakaintindihan at mag kaunawan sa isat isa. Mahalaga ang komunikasyon para sa lahat. Ito ang daan para tayong lahat mag kaisa para sa ikaunlad ng ating buhay.Ginagamit din oti para mapaihayag ang ating mga iniisip at nadarama.
Sa mga diksyunaryu, sinasabing ang komunikasyon ay pagbibigay naag kabatiran ; pakikipag usap; pakikipag unawan o pagbibigay kaalaman......
Maraming paraan ng Pagkikipagtalastasan . Bawat bansa o lugar may ibat ibang wika o dialek ito din paraan mag kaunawaan at madetermin kong ano sila at sino sila... at sa ka saan sila nakatira. Ang wika ay isa rin kasang kapan ng komunikasyon. Marahil sa mga ito ay naimbento at nagawa ng tao, wala ng hihigit pa sa wika........

Cupertina Patulilic block 2 A

ANG PAGPIPINTA BILANG URI NG SINING

Ang pagpipinta ay isang uri ng sining kung saan pwede mong ipahayag ang iyong damdamin o saloobin sa pamamagitan ng pagpipinta ng mga bagay-bagay na naaayon sa iyong kagustuhan. Ang pagpipinta ay maraming nais ipahayag sa bawat isa tulad ng mga masasama at masasayang pangyayari.

Minsan ang pagpipinta ay nakakaapekto sa buhay ng isang tao dahil maaari itong makapagdulot ng depresyon tulad na lamang ng isang sikat na pintor na si Vincent Van Gogh kung saan nakaranas ng depresyon dahil ang kanyang mga naipinta ay hindi naibenta at hindi rin tinangkilik ng mga tao.

Sa pamamagitan ng pagpipinta pwede mong ipahayag ang iyong mga naging karanasan na maaaring ang ibang tao ay maiuugnay ang kanilang buhay.Kaya para sakin ang PAGPIPINTA ay isa sa pinakamagandang uri ng SINING.

=---Rubi A. Orias---=Blk 2-A

Monday, September 12, 2005

Ang Musika ay may epekto sa Tao man o sa Hayop

Ang MUSIKA ay may sa tao o sa hayop man.Ang epekto nito sa tao nakakagaan ito ng loob kapag ikaw ay nakikinig dito.Sa mga makabagong paraan ng panggagamot ay ginagamit itong pang lunas ng mga sakit.Ang epekto naman nito sa hayop ay nakakapagpaaktibo ito sa kanilang pangdama.Sabi nga ng may ari ng isang manokan, isang umaga nang minsay nagkaroon ng "blackout"sa kanilang lugar ay nakita niyang parang nanamlay ang kanyang mga manok kase namatay rin yong pinapatogtog niyang musika,at nang bumaik na ang kuryente ay nanumbalik naman ang pananamlay ng kanyang mga manok.Kaya, ang musika ay may epekto sa tao man o sa hayop. By:Vincerve P. Bautista Blk-2A

modernong sayaw

MODERNONG SAYAW

Ang modernong sayaw ay maituturing na sining dahil bawat galaw ay nagpapahayag ng kahulugan at nagbubuo ng mga malikhaing galaw. Ang modernong sayaw ay mahirap ipaliwanag dahil wala itong maliwanag na katawagan. Ito ay simpleng pamamaraan ng sayaw na nauuso sa panahon natin ngayon at isinasayaw ng mga kabataan na tulad ko sa pamamagitan ng mga makabagong tugtugin. Dito naniniwala ako na bawat sayaw o galaw ay bagay na pampasigla at kabuluhan. Bagaman ito ay malayang sayaw na magpalaya sa mananayaw mula sa mga batas ng tradisyonal na sayaw. Ang makasining na bahagi ng modernong sayaw ay nagdudulot ng magandang interpretasyon sa lipunan.
JENY G. TUBAT BLK II-A